“Blessed Philippines”

     Tunay nga na ang mga bagyo sa Pilipinas ay hindi sumpa bagkus ay pagpapala. Magmula ngayon, aariin na natin ang mga bagyo sa Pilipinas na hindi sumpa kundi pagpapala. Sapagkat, una, ito ay pagkilos ng kalikasan. Ang tubig ay buhay. Ikalawa, sa halip na tayo ay malungkot, maari pa rin tayong makasumpong ng kadahilanan upang matawa. Sapagkat tunay ngang nakakatawa. Ang hitsura ng mga binabahang mga lansangan sa Pilipinas kapag binabagyo, mula sa pagiging kalunos-lunos, ay umaangat na sa antas ng pagiging katawa-tawa. Kaya idaan na lang natin sa tawa kasya naman tayo'y malungkot.

ni: Marven T. Baldo

Comments